United States or Egypt ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nagdaan nang calungcotlungcot ang magdamag sa pan~gin~gilabot at pagasa, na palagui silang sinasalun~gat nang alon, bagama,t, pinagpipilitan nilang totoo na macalapit sa isang sasac-yan. Sa catapusa,y, siyang pagliliuanag na nagbigay hanga sa canilang capighatian.

Parang pangarap lamang ang lahat. Oo, pangarap, pangarap lamang ang maligayang kahapong kanyang ipinagduyan sa kandungan ni Leoning. Pangarap lamang na hindi na pamuling mangyayari pa. Wala na, at wala na siyang tanging pagasa kundi limutin ang lahat. Oo, limutin na lamang at siyang tanging magiging lunas ng kanyang pusong sawing palad. Datapwa't anong hirap gawin ng lumimot!

Waring nagbabalita kay Eduardo ng magandang kapalaran ng buhay na puno ng pagasa. Waring ibinubulong sa kanya ang kaligayahan ng puso. Waring naririnig niya ang mga awit ng pusong mapapalad na nagduduyang sa bisig ng magandang kalikasang puno ng pangarap.

Ang pagasa niya noong una, na, kanyang makikita agad ang iniibig ay parang isang pangarap lamang. Oo, pangarap lamang pala! Kay dami daming tao ng Maynila! Saan mo nga naman matitiyak makita agad ang isang Eduardo? Saan niya hahanapin? Pangit para sa kalooban ni Leoning ang siya ay magsadya sa tahanan ng isang binata. Nais niyang sukat na lamang ang sila ay magkita sa isang pagkakataon.

Sa piling ng isang Leoning ay lalong dumakila ang isang Eduardo. Lalong naging maningning ang kanyang pagasa. Kay buti nga namang idinulot ng pagkakataong yaon! Sa harap ni Leoning ay naging isa siyang dakila, isang bayani na pinuputungan sa ulo ng masaganang laurel. Purihin siya sa harap ng kanyang paraluman, ay anong tamis sa isang kalooban ng binata!

Sukat ang nalalaman na ninyong kapwa tayo sinawi n~g ating pagasa, at wala na. Sa ganang aki'y wala na n~ga pong nalalabi kundi ang masunduan ko n~gayon kung saan naroroon ang pugad na pinagpapasasaan n~g aliw n~g dalawang ibong iyan.... ¡Kundan~gan naman kasi'y nagpakahilam tayo sa babaeng iyan! ¡Parang ipinagtatanong pa natin kung ano ang mestisa!...

Kay pakla at ngayon ay si Leoning ay kasal na, samantalang sa kabilang dako ay naiwanan si Eduardong nangungulila at walang naging palad kundi ang makaulayaw ay mga madlang dalamhati ng puso, ang kanyang pusong waring isang libingan na lamang ang siyang tanging pagasa at hahantungan.

At, sa ano nga pong paraan? ang agad ay agaw ni Leoning. Ang pagkakakilala ko ay dahilan sa kanyang kagitingang kapuripuri para sa kanyang mga kababayan. Siya ay may maningning na pagasa sa kinabukasan ng ating lahi. Namula at lalong napamangha ang ating binata dahilan sa kanyang pagaakala na sadyang siya nga yata'y nais lamang alipustain ng kinatawang yaon.

Wala na, oo wala na at natulad na lamang sa araw na nilamon ng ulap. Ang kanyang pagasa ay naglaho rin, kinain ng laho, sinakmal ng dilim. Ay! Eduardo! Tapos ng lahat ang kaligayahan ng iyong puso. Wala na si Leoning at hinding hindi mo na makakaulayaw.

At, gayon din inihahandog ko ito sa mga kapisanang naglilinang ng sariling wika sa lalawigang Tayabas, lalong lalo na sa "Pagasa ng Lucena", "Panitik Atimonan" at "Hilaga ng Tayabas." Kung madadama lamang natin ang dibdib ni Leonora, ay ating mararamdaman na para bang lalong lumalakas ang pagkaba. Malakas at masasal na parang tinatahip ang dibdib sa lakas ng tibok ng puso.