United States or Austria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ang babaye ay ualang loob na timtiman, na ipagtitiis nang hirap, ay ualang caguinhauahang cacamtan sa pagaasaua. Sapagca,t, di matutong magpuno sa pamamahay, at di maca sundó nang caniyang esposo.
Ang icalimang cailan~ga,i, ang babaye ay houag yumamang lubha sa lalaqui; sapagca,t, cun magca gayo,i, ang babaye ang maguiguing lalaqui at ang lalaqui ang maguiguing babaye. Marami ang napapahamac na pagaasaua, sa pagca hindi esposa cun di pilac ang hinahanap.