United States or Greenland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sumaloob na niya ang siya ay pinagtataksilan. At, boong lakas loob din siyang pumasok ng pintuan. Sa kanyang kalooban ay walang ano mang dumalaw na pagaalinlangan na, sakaling siya makita ng ibang tao roon at tanungin ng ibig, ay sasagot siya ng kahit na papaano. At, salamat na lamang, ang tahanang yaon ay walang naroon kundi ang kulangpalad na si Eduardo na siyang dinadalaw ni Leonora.