United States or Aruba ? Vote for the TOP Country of the Week !


Napakikita pang conua ay Angel nang caliuanagan, ang siyang cahambing, ay si Margarita,i, naghiganting tambing sa capan~gahasan niyong si Lusifer. Pinapag-ibayo nang higuit sa una yaong dating gauang pag-pepenitencia, capacumbaba,i, pinapag-ulol pa ayon sa hatol nang Evangelio bagá.

Magmula n~g siya ay magbalic loob sa catauan niya,i, malabis ang poot, pagca,t, siyang naguing caáuay na lubos sa casalanan n~gang di sucat masayod. Saca ang masamang man~ga halimbawa caya hindi pa rin ikinatutua, yaong cahirapan na dinadalitang pag-pepenitencia,t, pagaayuro n~ga.

Ni Jesús na Amá at ipinahayag di mamacailan na ipinatauad ang man~ga sala mong lubhang mabibigat n~g boong, capacumbabaang di hamac. At sa madalas mong pag-pepenitencia,i, laguing dinadalaw na inaaliw ca, n~g Esposong lubhang maauaing Amá sa iyo,i, ipinagcatiualang sadya.

Pinasimulan nang pag-pepenitencia sa nasang macamta,i, binigyang pag-asa, yaong hinihin~ging simula n~g gracia at sa cabanala,i, nagsanay na siya. Linalayuan nang parang camatayan sa loob, ang lahat nang macapupucaw, ang kilos at anyo,i, hilig na mahalay niyong maruruming pita nang catauan.

Para bagá bilang na napipilitan yaong pagbulusoc n~g casacunaan, at ayaw umulat nang nan~gamamayan ang matá, sa samang dapat na ilagan. Niyong masabi na sa cay Margarita ang tantong mapalad na pagpanaw niya, sa Mundo, ay tunay na nanghihina na sa higpit nang man~ga pag-pepenitencia.

Dahil sa hirap at pag-pepenitencia at pananalan~gin sa tuituina at man~ga pagluhog sa Dios na Amá bilang bayad doon sa canilang dusa: Sa pagmamasakit na hindi cauasa sa iguiguinhauang tunay niyong madla niyong m~ga caluluang pinagpala sa icacacauas ay handog na paua.