United States or Maldives ? Vote for the TOP Country of the Week !
Icao'y aquing tac-ha't pinupuring lubos, pagcat sa lupa mong masanghaya'y sipot ang gayong sintahang malinao sa bubog at punong sabihan sa boong sinucob. Bayan sa cabilang buhay n~g linipad, nanao rin ang gauang ualang iquinupas: pacliha't suyuang tamis n~g pag-liyag at sa iyo'y Verona pamana ang bacas.
Mamatay ay toua sa mahal mong harap pag-aaruga mong cahit di na lunas, sa pag panao n~gayon n~g hinin~gang in~gat ang maguiguing sapot tapat mong pag-liyag, Sa iyo'y paalam n~g ualang pagbabaling sa payapang bayan at sa isip dalhin, pagsinta mo't asang hindi lilimutin aco'y minsan-minsan iyong gunitain,
¿Di n~ga panunumpa cung baga itulad sa n~galang salapi tingang di matangap, na naguiguing bayad sa tungcol n~g hirap n~g alin mang pusong may simpang pag-liyag? At di si Romeo anac n~g calaban n~g mahal cong ama mahaba nang arao? cung cania mang tupdin ang sa sumpang laman ama co'y marahil hindi tutulutan.