United States or Jamaica ? Vote for the TOP Country of the Week !


Gayon din cun mapacarami ang pag-iilaguin, ay tila namamanhid, ó nan~gan~gauit ó naninigas ang man~ga paa,t, camay nang maysaquit, na yao,i, isa pang nacacahirap sa caniya.

Cun ang saquit ay lungmaqui pa mandin, ay nan~gabubuloc ang man~ga n~gipin; ang maysaquit ay linalabsan nang dugó sa iba,t, ibang lugar nang catauan; ang caniyang man~ga paa, pati nang ibang man~ga casangcapan nang catauan ay linalabsan nang mancha, na iba,t, iba ang color; saca nagsusugat nang masamang pagcasugat ang catauan niya, lalo pa ang man~ga hita; at pagca malubha na ang maysaquit, ay nalalagnat nang lagnat na ética , at ang iquinamamatay niya ay ang pag-iilaguin, ó ang pamamaga nang caniyang catauan ó ang pasmo, ó ang desmayo, ó ang pagcabuloc nang caniyang bituca.

Ang nagcacasaquit nitong masamang bagay na pag-iilaguin, ay nanghihina agad; guiniguinao siya cun minsan; ang marahil idinaraying nang man~ga maysaquit ay ang sicmura, na di man masaquit, ay tila siquip na bahag-ya na sila macahin~ga; marahil nasisira ang canilang ulo. Ang tiyan cun minsan ay sungmasaquit, cun minsan hindi; ang isinusuca nila ay verde ang color.

Datapoua cun hindi lubhang malaqui ang saquit, ó cun maigui ang pag-gamot doon, ay ang maysaquit nananatili sa lagay na yaon na sinaysay co sa párrafo 192; hindi siya lungmulubha, at hindi rin dinaraanan nang man~ga sinabi co sa párrafo 193, na linaluan nito, bagcus ungmuunti ang lagnat at ang saquit nang ulo; ang pag-iilaguin ay malacas sa rati, at nacacaguinhaua sa caniya, at gayon din ang pag-ihi; nacacatulogtulog na ang maysaquit; ang dila,i, lungmilinis, at magaling-galing na ang pagcaramdam nang may catauan.

Ang ruibarbo, na bilin sa número 51, ay houag ibigay doon cundi sa catapusan nang saquit. Cun minsan ang pag-iilaguin ay casama nang lagnat na buloc, na sinaysay co sa capítulo 20 at ang gamot doon cun gayo,i, ang pasuca número 34, bago purgahin ang maysaquit nang bilin sa número 23 ó sa 47.

Ang pag-iilaguin nang darag-is ay cun minsan dala ang ibang man~ga bagay na pag iilaguin na sinaysay co sa man~ga capítulong natalicdan. Cun minsan naman ay dala nang bulati, na nadoroon sa loob nang bituca, ó gaua nang pagsusugat nang pouit, ó sapagca ang may cataua,i, quiniquilmos. Caya pagca nacuha,t, nauala itong man~ga saquit, ay nauauala pati nang pag-iilaguin nang darag-is.

Sa icasiyam ó icalabing isang arao ay hindi na naquiquila ang ticdas at malinis na ang balat nang catauan. Datapoua mauala man itong man~ga bacas nang ticdas, hindi pa gungmagaling ang maysaquit; alintana cun siya,i, dinaanan nang malacas na pag-iilaguin, ó pagsuca, ó cun siya,i, pinauisan nang malaqui, sapagca cun gayon ay nauauala ang lahat na caniyang saquit.

Ang pagsuca nang dugo ay masamang saquit, sapagca bucod doon sa dugong isinusuca, ay mayroong ibang dugo, na napapahulog sa man~ga bituca, at yaon ang iquinapag-iilaguin nang may catauan nang masamang pag-iilaguin. Ang gagauin sa ganitong saquit, ay ang man~ga tali sa paa,t, camay, at ang baños sa malacucong tubig hangan tuhod. Saca sumpiting parati ang may catauan.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap