United States or Vietnam ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun baga hindi sangol cundi matanda na ang sinisin~gauan sa bibig, ang pag-gamot doo,i, para nang pag-gamot sa man~ga sangol, na itinuro co sa párrafo 268 na sinundan nito. Datapoua ang ipupurga doon ay ang bilin sa número 23, at ang ipagmumumog ay ang bilin sa número 19.

Ang saquit ay ungmaalis cun minsan sa loob at napapasalabas; cun gayo,i, magaling-galing ang pagcaramdam nang maysaquit. Datapoua cun sa utac, ó sa baga mapatun~go,i, mahirap at mapan~ganib ang may catauan. Ang pag-gamot sa nagcacasaquit nang gayón, ay para nang guinagaua sa pulmonía.

Dahil sa casam-an nang pag-gamot sa man~ga maysaquit dito sa Filipinas, ang maraming tagalog ay idinaraying nilang may matigas sa canilang tiyan; at bagamán hindi nacacamatay yaong saquit na yao,i, cun minsan nacagugulo sa man~ga catungculan nang sicmura,t, bituca.

Cun hindi nasasaol-an pa ang maysaquit, nang macalalo ang saicapat na bahagui nang isang oras, ay sasangrahan sa camay. Pagca sangra na, ay maigui sumpiting minsan, at touing calahating oras paiinumin nang isang tazang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na sinasamahan nang caunting azúcar at suca . Nota. Cun babayi ang sinusubaan dahil sa siya,i, marugo, ganito rin ang pag-gamot doon.

Ang caramihan nang man~ga namamatay sa saquit ay hindi dahil sa cabigatan nang saquit, cundi sa capabayaan at caculan~gan nang pag-gamot nang paaniyo.

Datapoua pagca guinagamot pagcaraca nang husay na pag-gamot ang tauong tiniticdas, ó tinotoco, ay hindi mahirap ang catapusan nang saquit, at ualang natitirang bacas na masama. Ang pag-gamot doo,i, ganito. Cun baga malaqui ang lagnat, at ang pulso ay matigas, at malaqui ang casiquipan nang dibdib, cailan~gang sangrahang minsan ó macalaua ang titicdasin.

Sa alin mang tauong linuluslusan, bata man matanda man, ang pag-gamot ay iisa rin. Datapoua ang man~ga bata ay madaling gamutin, at bihira ang hindi gungmagaling, alagaan lamang nang tali, ó bigquis yaong lugar na pinaroroonan nang bituca.

Cun itong saquit ay casama nang ibang cólico, ay ualang sadyang pag-gamot dito, sapagca cun gamutin ang totoong saquit; ay mauauala pati itong isa. Datapoua cun ualang ibang casamang cólico, ang gamot doo,i, ganoon. Ang maysaquit ay sinusumpit, at quinucuscos ang caniyang tiyan nang mainit na damit; magaling namang painumin nang tubig na pinaglagaan nang manzanilla.

Cung yaong man~ga sinabi co ay itinuloy na han~gan sa apat, lima, ó anim na oras, at hindi nasasaol-an nang buhay ang tauo, ay maitatahan na ang pag-gamot, at caalamalam patay na totoo ang tauo.

Cun minsan ualang lura, at uala ring ubo. Mayroon namang iba, na binabalin~goyn~goy, na ito,i, nacaguiguinhaua sa may catauan. Datapoua cun minsan ang tumutulong dugo ay buloc, na yaon ang pinacatanda na malapit nang mamatay ang tauo. Cun minsan tila mamamatay na ang maysaquit, at bagcus siya na ang paggaling niya. Ang gamot sa pinipleuresía ó sinisintacan ay para nang pag-gamot sa pinupulmonía.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap