United States or Svalbard and Jan Mayen ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang Teatro ay bahay aralan n~g pag-uugali, at salaming mapananalaminan n~g nanonood, batyagin mong magaling itong aking sasalitín: Kung ikaw ba'y may kalasin~gan na waring namumun~gay ang mata mo, ikaw ay mauban, mapula ang m~ga puti n~g matá mo at saka ka manalamin. ¿Hindi kayâ pan~git ang makikita mo sa salamin? Mangyari, ang pabigláng sagot ni Kadiliman.

At ang m~ga labi'y nagpalitan n~g halik: halik n~g anak sa kamay n~g ina; at halik n~g ina sa noo n~g anak.... ¿Nagkasakit ka ba? Hindi po; nguni't ... ¡oh, ang m~ga taong pinaghabilinan ninyo sa akin! ¡Patawarin nawa sila ni Bathala sa di nila nalalamang kanilang ginagawa!... ¿Sinong m~ga tao? ang pabiglang sunggab ni Tirso. ¿At nilapastan~gan ka ba? ¡Teang ituro mo at gagawin ko ang nararapat!

¡Pan~gahas!...¿Bakit ka malikot? ang pabiglang nasabi n~g binibini na salamat at di nakapukaw sa pagkakatua naman n~g m~ga matatandang nasa kabilang panig n~g bahay at pagkasabi'y nalaglag ang dalawang butil n~g perlas mula sa m~ga mapanhalinang mata n~g binibini at nagulap iyang maaliwalas na lan~git n~g ating binata.

Biglang nahawi ang dilim n~g pag-aalapaap, nawaldas ang nakalilibid na tali n~g pagpipighati sa puso n~g binata, natapos ang kaniyang m~ga kalungkutan, at sa kagahaman sa pag lasap n~g ligaya'y pabiglang tumugon n~g: Hangang kailan, aking lan~git?