United States or Turks and Caicos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang icalaua,i, cun mayroong maraming dugo, doon din sa baga nang may catauan. Ang icatlo ay ang man~ga malagquit na tungmatahan sa baga rin. Cun ungmiinit, ó ga nan~gun~gurong ang man~ga litid nang baga, na dahil doo,i, hindi macahin~ga ang may catauan, ay mauaualang cusa ang caniyang saquit di man siya gamutin, ó cun paamuyin nang mabaho, para nang sinunog na pacpac nang manoc ó ingo.

Ang sinusubaan dahil sa siya,i, nasangrahan, ay hindi cailan~gang gamutin, at mauauala pagcaraca yaon, capag siya,i, humiga, ó cun paamuyin nan suca , at painumin nang caunting suca rin, na may calahoc na tubig.

Ang tauong sinusubaan dahilan sa man~ga maruruming nadoroon sa caniyang sicmura, mabuti paamuyin nang anomang matapang na amoy, at painumin n~g tubig na malacuco, na pinaglagaan nang manzanilla ó sambong ó bulaclac nang alagao. Pag nasaol-an ang maysaquit ay big-yan ilang arao cun umaga nang bilin sa número 38.

Basahin mo ang párrafo 517. Ang man~ga babayi marahil subaan ó madesmayo pagca sila,i, nacapan~ganac, at lalo pa cun binusan nang maraming dugo. Ang gagauin doon ay sundin ang aral sa capítulo 79, at sa capítulo 80, at cun gayon bihirang babayi ang magcacasaquit noong gayong saquit. Maigui ring paamuyin nang suca.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap