United States or Tokelau ? Vote for the TOP Country of the Week !


Doon sa oras nang pagputoc nang sibol sa baga, ang maysaquit ay lumulubha na anaqui hindi nacacaramdam. Datapoua,t, cun paamoyin nang suca, ay nasasaulan cun baga ang pagputoc nang sibol ay hindi masama, ayon sa sinabi co sa itaas sa párrafo 43; sapagca cun masama, ualang magagaua at mamamatay ang maysaquit.

Cun mapapainom ang maysaquit, ay painumin nang maraming tubig na dinoonan nang timbang sa icaualong salitre sa isang vaso. Pag tila nasasaulan na ang maysaquit, ay painumin nang bilin sa número 23, ó nang crémor timbang isang salapi ó piso, at saca big-yan nang maraming suero nang gatas. Houag paamoyin ang maysaquit nang anomang amoy na matapang.

Cun ang muc-ha nang maysaquit ay ungmiitim, ó ga siya,i, quinacaposcapos na nang paghin~ga, ay cailan~gang sangrahang minsan ó macalaua sa paa. Pag ang maysaquit nasaol-an, ay painumin nang caunting alac sa misa cun baga siya,i, mahina, at paamoyin naman nang suca. Saca siya,i, tumanong sa marunong na médico, na siya,i, gamutin at nang houag daanan uli noong saquit na masama.

Ang tauong sinumpong n~g galit, ó nang pamamanglao, at nadesmayo dahilan doon, ay paamoyin siya nang suca, at paiinumin n~g malimit nang tubig na malacuco, na pinaglagaan n~g balat nang dalandan ó dayap. Pag nasaol-an ang maysaquit ay painumin nang limonada número 33, at sumpitin nang bilin sa número 5.

Sa bibig ay sosootan nang isang caputol na damit na marami ang suson, nang houag macagat ang dila; boong cataua,i, cucuscusin nang damit na tuyo; mabuti sumpitin nang tubig na dinoonan nang asin; bibigquisan ang man~ga paa sa ibabao nang tuhod; at ang man~ga camay sa ibabao nang sico; paamoyin nang man~ga mabaho, para n~g pacpac nang manoc, ó balat nang baca, ó suca man.