United States or Seychelles ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ano ang mangyayari kung ang pintuang yaon ng silid ay iwasak niya at kitlan ng hininga ang sukab na asawa sa harap ng lalaking kasuyuan? Ano ang ibubunga kung ang lalaking nagputong ng kawalang hiyaan ay kanyang lamukusin at alisan ng buhay? Napopoot ang kanyang paningin ba wari at nagugulo ang kanyang pagiisip ng gayon na lamang. Walang malamang gawin ang kulang palad.

Nakapatong sa ibabaw n~g lamesa ang dalawang bisig at sa m~ga palad ay nakakatang naman ang dalawang pisn~gi. Malungkot ang kanyang anyo; at sa pagmumukha ay nababakás ang isang napakalaking damdaming kinakabaka n~g puso, damdaming nakapagpapapulás sa dibdib n~g malalalim na buntonghinin~ga. Sadyang nang m~ga sandaling yaon, ay may isang malaking suliraning pinagaaralan ...

Sa halimbaua, patutun~go sa bahay nang isang piguing, nagsasaya,t, tumangáp nang magandang capalaran, caran~galan ó catungculan, ay di nauucol magdamit nang marun~gis, magpaquita nang malumbay na muc-ha, sapagca,t, ang caniyang sadya ay ang pagbibigay nang en hora buena , ang cahuluga,i, ipahahayag ang quinacamtán niyang toua sa nabagong palad nang caniyang pinagsadya.

Magkakahiwalay itong ating palad na gaya n~g Dilim at Haring Liwanag, ikaw'y magtatago't... sa pamamanang at may ibayo kang gayuma't pan~garap. Samantalang ako'y tan~ging magtatago sa utos sa akin n~g Hukóm na Puso, sa pagliliwayway ay talang malabo ang makakatulad n~g aking pagsuyo.

Ang isa pang totoong cailan~gang gauin, ay sipsipin ang caliuang suso nang bata, bucod dito,i, dadalhin sa maaliualas na lugar ang sangol, at cucuscusin ang boong catauan niya nang mahinang pagcuscos, lalo pa ang palad at ang talampacan nang damit na iniinit init sa apoy. Cun ang bata,i, nasaol-an na nang buhay, ay talian na ang pusod.

Sisihin mo n~gayon ang sariling isip at hindi na araw ito nang pagibig ang tatamuhin mong damay sa paghibik ang idalan~ging ka sa Dios sa lan~git. Tugon n~g Princesa'y sa pusong mabatyag tumaghoytaghoy na't ang wika'y ay palad ang dukhang suminta sa uring mataas damay sampung buhay ay di rin katumbas.

Mapiling pagtanong nang asawang kasi ang katutohanang lahat ay sinabi dahil sa peseta kung kaya nangyari ang kinahinatnan nang palad kong imbi. Ayon sa hiya ko't naubos na lahat na aking nagugol ibayad sa alak ako'y walang kunan nang maibabayad kaya't sa Demonio ay nakipagusap.

Naging masigla siya buhat ng mga sandaling bitiwan ni Leoning ang oong kanyang malaon nang ninanais makamtan. Kay palad nga naman niya! Tinamo rin niya sa kabila ng pagod at masasaklap na pagtitiis ang ligaya ng kanyang puso. Samantala, si Leoning ay nalulugod din naman sa kabilang dako. Pusong umiibig sa kapwa puso ay pusong naliligaya. Kay tamis dilidilihin!

Samantala'y isinasabi namán ni Ibarra sa maestro n~g escuela: ¿May-ibig cayóng ipagbilin sa pan~gúlong báyan n~g lalawigan? Paroroon acó n~gayón din. ¿Mayroon cayóng pakikialaman doón? ¡Mayroon táyong pakikialaman doón! ang talinghagang sagót ni Ibarra. Sa daa'y sinasabi n~g matandang filósofo cay Don Filipong sinusumpa ang sarilíng pálad.

Dinala n~g palad na di cayat asam sa natitiualag na Bayanbayanan, dacong Habagatan n~g Sangcapuluan, at sa di calipi punong pamumuhay, Ito'y natatayo sa paa n~g bundoc, capoua tatlong panig sa taric ay cubcob at ang sa harapan caragata't tunog n~g laguing daluyong pag-uauari'y handog.