United States or Gibraltar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tinig n~g batin~gaw ay sa Konsepsiyón noó'y nagbalita na may kasal doón; sa bibig n~g madla narinig n~g lahat ang kasál na yaón di iba't kay Tuníng na lan~git ni Osong. N~guni't ¿sino kaya ang lubhang mapalad na makikisumpa sa dambanang harap? at ¿si Osong kaya? ¡oh, hinding hindi n~ga't isang taong pantas na kinasilawan sa bunton n~g pilak!...
Payapa n~gá silá, sa pagkákaupo siyáng ináani; galák n~g pagsuyo, pinagúusapan, ang ikárarangál n~g kaniláng puso na ganitóng saád nang minsáng mahinto: «Kay damot mo namán,» kay Osong na sabi, «isáng halík lamang, itulot mo kasi, nang ako'y maalíw at nang magkaroón n~g isá pang saksí!...» «¡Ayáw ko! ¡ayáw ko!...» kay Tuníng na tanggí.
Hayán n~ga ang tuwang na~ghari sa puso n~g dalawáng yaóng isá sa pagsuyo, kaya ang paalam n~g ating binatang anaki ay biro: «¡Sarili na kitá, búhay má'y mapugto!...» Nang isáng umaga'y sa pangpang n~g ilog ay may nakaupóng binatang malungkót: itó ay si Osong; kanyáng inaalíw ang dusa n~g loób sa pagkákawalay kay Tuníng na irog.