United States or Angola ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ngayon quita'i, tuturuan sundin mo't, huag sumuay, paroon cang magtuluyan icapitóng cabunducan. Itong baro ay dalhin mo sa bundóc na icapitó, at siyang ipaquita mo sa daratnáng ermitaño. At tinauag nanga rito yaong haring olicornio, itong príncipe'i, dalhin mo sa mabunying capatid co. Si don Juan ay sumacay sa olicorniong licuran, lumacad na nagtuluyan hangang sumapit sa pacay.
Sa inyong paglibot diyan sa bundóc at caparangan, sino ang naca-aalam niyong reinong de los Cristal. Ang sagót nang calahatán hindi namin naalaman, at malayong caharian ang iyo pong catanungan. Sampong olicornio bagá na hari nilang lahat na, hindi rin macapagbadyá niyong reinong hanap niya. Ang uica nang ermitaño don Juan ay narinig mo, cahima't, ang familiar co di masabi ang hanap mo.