United States or Bouvet Island ? Vote for the TOP Country of the Week !


Umoui ñga si cabezang Angi, at sinamahan nang isang oficiales na camag-anac niya, na baca cung mapaano siya sa daan, at nang dumating sa bahay, ay sinalubong siya ni Felicitas sa catapusan nang hagdan. Pumanhic si cabezang Angi, at biglang bigla,i, niyapus niyang totoo itong si Felicitas, at napaiyac nang catacottacot.

¡ Seguro ,i, guinabi siya sa Taytay ó sa Binañgunan caya, at doon na siya,i, matutulog, at mag-aantay nang sicat nang liuayuay, ang uica naman nang isa. Ganoon nang ganoon ang pinagsasalitaan at pinag uusapan nilang mag-anac, na hindi nagcacaisa ang canilang caisipan at narito na ang isang oficiales , na nangagaling sa Tribunal, at may tañgang isang oficiong sulat nang Sr.

Subali,t, nang dumating ang aming mahal na Padre Cura,i, tumahimic nang caunti ang mañga tauo, dahilan sa malaquing pag-ibig at caalang-alañgan nila sa caniya. Pagcapanhic nang aming Cura sa bahay ay inusisa agad sa mañga tauong caharap ang bagay ó dahilan nang pagcacasaquit at paghihimatay ni Felicitas, at capagcaraca,t, sinaysay nang oficiales ang caniyang naquita,t, naalaman.

Naghimatay tuloy si Pili nang maquita ang anyo nang caniyang inda, at cundañgan ang officiales na casama ni Angi, ay naboual at napagulong sa hagdan ang mag-ina. Nang magcaganito,i, sumigao ang oficiales , at dinaluhan sila tuloy nang mañga capitbahay, at nang manga camag-anac, at malaquing totoo ang nangyaring ligalig doon, gaua nang caramihan nang tauo. Ang iba,i, gumagamot-gamot cay Pili.