United States or Burundi ? Vote for the TOP Country of the Week !


Tinanggap din naman ni párî Antonio Obach; jesuitang misionero sa Dapitan, ang isang sulat ni párì Pablo Pastells, Superior n~g Misión n~g m~ga páring Jesuita sa Filipinas, na doo'y ipinagbibiling sacali't ibig ni Rizal na tumirá sa convento n~g misionero, ay sa ilalim n~g tatlong bagay na gágawin ni Rizal: Una, hayag na tátalicdan at pagsisisihan ni Rizal ang canyang m~ga sinabing laban sa religión católica, at maghahayag siyá n~g m~ga pagpapatotoong iniibig niya ang España at kinalulupitan niya ang m~ga cagagawang laban sa España; icalawá, na bago siya tangapín ay gágawâ muna siyá n~g m~ga "santo ejercicio" at sacâ "confesión general," n~g canyang dinaanang buhay; at icatló, na sa háharaping panahon ay magpapacagalìng n~g asal, na ano pa't siya'y maguing ulirán n~g ibá sa pagca masintahin sa religión católica at sa España.

Pinagasisicapan niyang sa pakikipagmatuwiran tungcol sa religio'y huwag sugatan ang pagsampalataya n~g ibá; malumanay siyang tumututol, at gumagamit siya n~g magagalíng na paraan upang huwag siyang camuhîan n~g canyang causap. Minsa'y sinadyâ siyá sa canyang bahay n~g jesuitang si párì Obach, at pinakiusapan siyang siya'y magbigay n~g caunting ambag sa gugugulin sa pagpifiesta cay San Roque, na pintacasi sa pangulong nayon n~g Dapitan: Hindî maaarî, padre ang isinagot ni Rizal na nacan~gitî at maámò ang pananalitâ ¿papaano po bang ibig ninyong aco'y umambag sa pamumuhay n~g isáng capan~gagaw co? Sa araw na si San Roque na lamang ang siyang macapan~gan~gasiwâ sa panggamót, ¡mawawalan acó n~g cabuluhan sa ibabaw n~g lúp

N~g icá 18 n~g Septiembre ay ipinatawag si Rizal sa convento ni párì Obach, na curang jesuita roon, at sinabi sa canya nitong binigyan na raw n~g "indulto" n~g Gobernador General ang m~ga taga Calambâ, at gayon din ang canyang capatid na itinapon sa Joló, bagay na canyang ikinagalac n~g cawas