United States or Bolivia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa cawacasan, sa pagtikim sa cahulihulihang pagpupumilit, sumalpóc ang puti upang ibigay ang panghuling sacsác, ipinaco ang canyang tari sa isang pacpac n~g pula at napasabit na m~ga butó; datapuwa't nasugatan ang puti sa dibdib, at ang dalawa, na capuwa linalabasan n~g dugo, nanglulupaypay, humihin~gal, nan~gagcacacabit, ay hindi nan~gagsisikilos, hanggang sa natimbuang puti, sumuca n~g dugo sa tuca, nan~gisay at naghin~galo; ang pulang nacacabit sa canya sa pacpác at nananatili sa canyáng tabi, ay untiunting ibinaluctót ang m~ga hita at marahang pumikit.
N~g marinig ang canyáng voces, naramdaman ni María Clarang pínapanawan siyá n~g lacás, hanggáng siyá'y nátimbuang sa m~ga camáy n~g canyáng m~ga catotong babae. Malakíng caguluhán ang naghaharì: sabay-sabay na nan~gagsasalitâ, nan~gagcumpáscumpás ang m~ga camáy, nan~gagtatacbuhan sa magcabicabil