United States or Albania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang binata'y nápaluhod sa piling ng dalaga't biglang nápasigaw nang: ¡Benita! ¡Aking irog! ¡Oh, patáy! anyá n~g mákitang hindi kumikilos. Hindi anang tulisán natutulog lamang. Masabi ang gayón ay winiligán n~g kaunting tubig ang mukha n~g dalaga at itó nama'y nágising. ¿Saan ako naroroon? aniya. ¡Itang! anang binata. ¡Enrique! ani Benita n~g makilala ang kaharap ¡Aking buhay! ¡Aking irog!
Aywan ko kung anó ang nangyari, n~guni't n~g dumating ay napaluhód sa harapan ni tatay na kasabáy ang sigaw na: «Ayokong pumayag, ayoko, datapwa't pinagtulun~gan ako n~g pan~ginoon at dalawang alilang lalaki; ako'y inahiga ni kapitang Tiago at ... ayoko; ayoko.» Si ina'y ay ulól n~g umuwi. Sa lakí n~g kasawiang dinanas ay hindi nakatagal at natimbwang na walang diwa sa sahig n~g aming bahay.