United States or India ? Vote for the TOP Country of the Week !
Baka po nákakatulog pa. aní kapitang Ape, na dili iba't siyang magiging asawa. Inyó pong tawagan ang payo naman n~g isá. ¡Benita! ¡Benita! anáng amá na kasabay ang katóg. Wala ring tumútugon sa loob. ¡Benita! ang halos sigáw ni tininting Moneng na may munti n~g galit dahil sa baka uulitin na namán n~g kaniyang anák ang pagpapahayag n~g hindi pagsang-ayon sa kasalang iyón.
Mabuti't wari po'y hinayhinay at tila nakakatulog, ay kami ay aalis na ang ulit na sabi n~g Maestro kantor sa asawa n~g matanda sabihin mo pô sa kania na kami ay sukó na. Bakit naman? Sapagka't pô nasabi namin na kami hindi na mauuli niyang pagbibiruan ... ay eto't ... biro din.
Nakakatulog pa po sapagka't gabí na n~g magpahin~gá, sa dahilang wari'y malakí ang han~gad na huwag na siyang umagahing buháy. Ipinainóm mo ang ibinigáy ko sa iyong tubig? Hindi po, dahil sa hindi kumain. Kung gayón ay magbalík ka na sa iyóng pagbabantay sa pinto at bayaan mo akong mag-isá; patuluyín mo agad si Patíng.