United States or Falkland Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Yaong camataya'y catamistamisan Pagca nahahandog sa sariling Bayang Ang lahat n~g abot n~g sinag n~g araw Ating cakilala't pawang caibigan: ¡Pangpatay na lubós ang hán~ging amihan Sa sino mang táong waláng maisaysay Na Bayang sariling pinacamamahal, Inang maaruga't isang casintahan!
Hindî nalaong totoo n~g pagtirá sa París si Rizal. Halos sa boong táong 1891 ay nátira siyá sa Bélgica. Nanahán muna siyá sa ciudad n~g Bruselas, n~guni't hindî nagluat at lumipat siyá sa ciudad n~g Gante, at doo'y ipinalimbág niyá ang Filibusterismo . Náhahandog ang librong itó sa m~ga presbíterong tagalog na si párì Mariano Gómez, (walompo't limang taon); si párì José Burgos (tatlompong taón), at si párì Jacinto Zamora (tatlompo't limang taón), na ipinabitay n~g gobiernong castíl