United States or Eritrea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Siya naua. ¡Aba casanto-santosang Doctor, Arao ca nang sangcacristianohan! dili lamang sa aral mo, liuanag at nin~gas, cun di sa man~ga tulong mo,t, saclolo, na ipinagcacalin~ga mo sa man~ga mauiuilihin sa iyo, at pinagcacalooban mo sila nang buhay at cagalin~gan sa caloloua,t, catauan, at iniin~gatan mo,t, ini-aadya ang puri at ari nang balang nang napaaua at napasasacolo sa iyo, at n~gayong mamatay ca na, ay ipinararati mo rin ang iyong calin~ga, caya n~ga yaong iyong tubig na bumubucal sa pinagbaonan sa iyo, ay nacapagbibigay mata sa man~ga bulag, lacas sa man~ga mahihina, caaliua,t, cagalin~gan sa balang nang macainom noon, at doon naman sa Toledong bayan, ay napatanghal ca,t, napaquitang nugao nang balang, at iniaboy mong inilulunod sa ilog; aco,i, dungmaraing sa iyo, na gamotin mo ang aquing man~ga saquit at pagalin~gin mo ang aquing caloloua, at iadya mo itong boong caharian sa man~ga dinaralitang casaquitan, sa man~ga lindol, man~ga pagcacagutom, at sa iba pang man~ga sarisaring cahirapan, tuloy ipagcaloob mo naman sa aquin ang hinihin~gi co sa iyo dito sa novenas na ito, yayang sa boo cong loob ay nauiuili aco sa iyo.