United States or Dominica ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa isang kisáp matá halos ay tuminbuang ang matanda sa tabí n~g dulang dahil sa sugat na gawa n~g sundang na kagamitán sa pagkain. Ang sumunod na bumulagta sa isá pang saksák ay ang anák na nagnasang magsangalang sa amá. Pagkatapos niyón, ako'y nagtatakbó na hindi alám kun saan tutun~go, at daig ko pa ang ulol. Ako'y hindi nahuli at nakarating akó sa Novaliches n~g gabí ring yaón.
¡Ay, Virgen sa Antipolo! ang sigáw n~g babae. ¡Ay, Virgen del Rosario at de la Correa! ¡ay!, ¡ay! ¡Nuestra Señora de Novaliches! ¡Nanay! ang sa canyá'y sinabi n~g bunso sa canyáng m~ga anác na babae. ¡Sinasabi co na sa iyó! ang ipinatuloy n~g babae, na pagsisi ang anyô; ¡sinasabi co na sa iyó! ¡ay Virgen del Cármen, ay!