United States or Saudi Arabia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang may lic-ha'y siya nitong santinacpan at siya ang Dios na ualang capantay, tan~gi sa tayo'y caniyang linalang sa salang minana'y siya ang humadlang. Tanang man~ga Dioses na sinasamba mo iya'y pauang lic-ha lamang n~g Demonio. siyang dumadaya sa lahat n~g tao, upang macaramay nila sa Infierno.

Ituring sa wala ang m~ga nangyari't iguhit sa tubig ang m~ga nasabi, ang laki at alab n~g aking pagkasi, n~gayo'y gawing abo nitong pagsisisi. Hindi pagkan~galay n~g aking panitik ang naging dahilan n~g pananahimik, kung hindi sa nasang huwag maligalig ikaw pa n~g aking bulag na pagibig.

Sa Comunion nitong icapitong Domingo ihain ang pusó cay Jesús, María, y Josef, at ticahing gaoin at ialay taón taón itong devocion nang pitong arao na Domingo. Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na sa buhay na ito ay nanatili sa naturang devocion. Pagninilay sa icapitong Domingo.

N~gayon n~gang batid na natin ang dinamidami nitong m~ga lipilipi at angkan-angkang nan~gananahan dito na pawang kinikilalang pilipino ay di natin maliligtaan na di maitanong kahi't sa sarili kung ang m~ga ito ay katutubo rito ó kung bakit nan~gaparito at saan nan~gangaling.

Kung nanunun~gaw ka sa iyong bintana ang hinahalaw mo'y ang ikatutuwa n~guni't di makita ang linuhaluha nitong sa dilag mo'y nan~gan~gayupapa. Nagwawala ka n~gang bahala sa lagay at nagpapasasa sa kaligayahan bago'y di mo tantong nasa kalumbayan akong sumintang di maipamalay.

Doon n~ga nag-aral na hindi nagtahan hangan sa sinapit at cusang nacamtan ang gradong "bachiller" gayong pag-aaral sa "artes" nahayág ang siyang pan~galan. Nang ito'y macamtan nitong Burgos natin gumising sa caniyang puso ang tun~guhin yaong "Pagpapari Sacerdociong" tambing sa "eclesiásticong carrerang" mahinhin.

Saca ipauusisa niya sa médico ang quinadoroonan nang sibol, at ipahiua sa caniya. Magaling namang sumpitin sa lalamunan nang tubig na malacuco, upan din pumutoc ang sibol, cun mag-ubo ang may catauan. Itong pagputoc nitong sibol hindi nacacaano sa maysaquit, at uala acong narin~gig na namatay dahil doon.

Pan~ginoon naming Dios: yamang pinaghimalaan mong panibago ang iyong santa Iglesia niyong nalilimpoc na papairi,t, apoy na nan~gun~guna sa caparan~gan sa man~ga taga Israel, nang pagpapahayag mo sa mabunying Amang san Agustín nang lalong calalim-lalimang Misterio nang Carunun~gan mong ualang hanga, at nang pagpapa-alab sa puso niya nang nin~gas nang mahal mong sinta, ay magdalita ca, at ipagcaloob mo na ituro cami niya nang pagtauid naming maloualhati sa man~ga tucso at capan~ganiban nitong maralitang mundo, at tuloy aming camtan ang pan~gaco mo sa aming bayan nang dilang toua na ualang han~gan.

Ang nalalagnat nitong masamang lagnat pagdaca,i, nanghihinang totoo, doon man sa man~ga unang arao nang caniyang pagcacasaquit, na hindi maisipan ang dahilan nang caniyang biglang panghihina; pati loob niya,i, hapay, na hindi inaanomana niya yaon man caniyang saquit.

Tumelegrama cami sa "Peñinsula" n~g cami'y pacasal. Guinoong babae; nitong huling dalawang tao'y doroon aco sa dacong ibabâ n~g Europa, sa Alemania at sacâ sa Colonia rusa.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap