United States or Kazakhstan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nákilala ko na ang saráp n~g daing n~g nag-u-umanong puso sa pag-guiliw, ikaw ang bahala nguni't pag-isipin ang pang adyang dapat sa huling daratnin. Sa lakad n~g mundo'y panahong niniral ang isang parista'y sukat katitimbang ang lalong matatág ay nan~gahahapay sa dunong n~g isip nilang mapanglinlang.
At yaon ang siyang makapag titimbang n~g lalong marapat sa kahihinatnan yayamang sapagka't dati mo rin alam ang lakad n~g mundo't panahong niniral. Iyong magagawa boong pag-iin~gat kung may panimdim kang puri'y mapahamak at ang kabaita'y siyang naghahawak sa ikasasawi n~g dáratning palad.
Ikáw aming bunso'y magpapakatimbang sa lakad n~g mundo't panahong niniral kung sakasakali't makapag tagumpay payapa ka rito't hangang hulíng búhay. Sa mundo'y pag di ka natutong nan~gilag at dí tinalasan ang mata n~g in~gat walang malay-malay nayapos ka't sukat niyaong pan~ganyayang lihim na pahamak.