United States or Hungary ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kapitang Ape, kapitang Ape ang sigáw n~g bagong dating ang bahay mo po'y nilooban n~g tulisán pagkaalis mo at pagkatapos ay sinunog; ang pinakapan~gulo po n~g nangloob na nakakabayó ay may kandóng na isang babaying diwa'y dalagang ikakasal dahil sa kagayakan. Si tininting Moneng ay nalugmók sa isang uupan at si kapitang Ape ay kumutkot n~g takbó na patun~go sa kaniyang bahay.
Itinanóng ang sacristán mayor pagdatíng sa sacristía. ¡Natutulog pa! ang sa canyá'y caniláng isinagót n~g magaspang na anyô; ¿hindî mo ba nalalamang nilooban cagabí ang convento? Híhintayin cong siyá'y maguising. Minasdán siyá n~g m~ga sacristán niyáng anyóng magaspáng na talagáng asal na n~g m~ga taong bihasang silá'y alimurahin.