United States or Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nilimot na niya ngayon ang lahat ng kanilang naging palad ni Leonora. Nilimot niya at ngayon ay aanhin niya ang isang babaeng tulad ni Leoning na siyang sanhi ng pagpapakamatay ng unang nakaisang palad? Aanhin niya ang isang babaing walang iisang tibukin ng puso?

Kay saklap ng gunitain! Iyan ang naging palad ng ating binata...! Magtiis ng hirap, magbata ng mga dalamhati. Kaya sa pagkasubasob ng mukha niya sa mesang sulatan ay sarisaring gunita ang nagsasalinbayan sa kanyang guniguni; mga gunitang parang pawang kasawian ng kanyang palad dahil sa sumpang nilimot. Kulang palad na binata!

Lumuluha ang isang Eduardo dahil sa sumpang nilimot ni Leoning. Mga pusong nagsisitangis. Ang una ay hindi lubos na paniwalaan ni Eduardo ang mga balitang kumakalat sa mga lalong matataas na lipunan sa Maynila, ang nauukol sa lalong madaling panahon na pagiisang palad ni Leonora at ni Daniel Perez.

Nais ko nga ang laging kaligayahan ng puso mo nguni't baka pagkatapos ay lumimot ka sa sumpa. Kamatayan ko nga Leoning ko na baka ikaw ang lumimot. Ako man Eduardo, na tulad ko marahil ay isang bulaklak na lagas kung iyong limutin. At, kung lumimot ka, dahil sa sumpa mong nilimot, ako ay mamamatay.

Leoning, nang dahil sa sumpa mong nilimot!... At, dahil sa sumpang nilimot ni Leoning ay naglahong lahat ang pagasa niya at lugod sa buhay. Sinakmal ng papawirin na di malaman kung saang bahagi ng kapuluan hahantong. Waring isang libingang mapanglaw, isang libingang sawi at ni bulaklak man lamang ay di tumubo't manariwa dahil sa tigang na lupang sadlakan ng mga sawi: iyan si Eduardo.

Kusang nilimot, isinatabí na muna ang ligayang tuwî na'y hinihingî ng kanyáng pusò, ang pakikiuláyaw, ang matamis na pakikipagtitigan, ang paghalík sa bangó, at pagtatamasá ng boong luwalhatì at láyaw sa kandungan ng kanyáng Julieta.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap