United States or China ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Hindî itinulot n~g aking sakít at n~g aking m~ga pinan~gan~gasiwâang acó'y macabalíc dito! ang sinasabi n~g matandáng lalaki n~g boong cakimîan; sinabi ni Capitang Tiagong siyá na ang bahalang magpatayô n~g isáng "nicho"; datapuwa't tinanimán co n~g m~ga bulaclác at isáng cruz na acó ang gumawâ.... Hindî sumagót sí Ibarra.
Ang guang na sadyáng inilálagay sa m~ga pader n~g m~ga libin~gan, at doon inilílibing ang m~ga bangcáy na may cabaong, sa pamamaguitan n~g mahál na bayad sa párì ó cura n~g bayan. May m~ga bayang tagalog na tinatawag na "bútas" ang "nicho."
Unti-unting napúpunô ang libin~gan n~g m~ga lalaki't m~ga babáeng páwang nan~gacalucsâ. Ang ibá'y nan~gagháhanap na maluat n~g baunan; silá-silá'y nan~gagtatatalo, at sa pagca't hindî mandín silá man~gagcasundò, silá'y nan~gaghíhiwalay at bawa't isá'y lumúluhod cung saán lalong minamagaling niyá,; ang m~ga ibá, na may m~ga "nicho" ang caniláng m~ga camag-anac, nan~gagsísindi n~g malalakíng candil