United States or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !


Tinitigan mo ako bago ka ngumiti ng ngiting may kasiyahang loob. Tinawagan natin ang mga kasama at tayo'y tumayong pabilog at pagdaka'y sinimulan mo ang "Pepe-serepe" at.... ¡Kay, pilya, pilya mo! sinadya mo pang ako ang mataya. Pagkatapos ay nagtakbuhan kayong ako ang inyong kasunod. Aywan kung bakit, at noo'y wala akong abutan sa inyo: kay tutulin ninyong tumakbo, para kayong mga ibon.

Pagkatapos ng kanyang gawa ay tumatabi sa kanyang sulok na nakatungong walang imik; bahagya nang magsalita, hindi tumatawa kailanman; hindi umaalis sa bahay; at hindi siya nakitang ngumiti, kundi miminsan, nuong unang gabi na pahapunin siya ng asawa ni Semel. Nagdaan ang araw at araw, linggo at linggo hanggang sa umabot ng isang taon.

Ang bahay natin ay nagkakatapat halos, at isang hapong masaya ang langit na ikaw ay nasa bintana, ako'y nanungaw, at nang maino mong pinagmamasdang kita'y tumungo ka, tumungo ka't saka ngumiti ng lihim, bago itinaas ang mata at kiming sumulyap sa akin. Sumandali tayong nagkatitigan at pagkatapos ay isang ngiting busog sa ligaya ang ipinahatid mo sa akin.

Datapwa't nang una ay hindi mahulaan ni Ester kung sino ang tumawag na iyon, hindi niya makilala dahil sa ang tinig ng pangungusap ay binago at pinakaliitliit na pakinggan. Kaya hindi makikilala ni Ester kung hindi makilala ang kilos ng tumawag. At pamuling inulit ang tawag. Ester, nakikilala mo na ba ako? na waring nasulyapan ni Ester ang mukhang ngumiti ng tumawag. Ah, oo, kilala na kita.

At, salamat at hindi sa ibang panig ng katawang maselan ako inabot ng gayong sakuna at kung nagkataon sana ay hindi na ako Eduardo ngayon. Wala na ngayong Eduardo at mababalita mong namayapa na. At napairap at ngumiti si Leoning sa pagkasabing gayon ang kanya sanang naging palad. At nagpatuloy si Eduardo nang makitang ang binibini ay umirap ng bahagya sa kanya at ngumiti.

Tumiguil n~g pananalitâ ang matandáng lalaki, at n~g makita niyang siyá'y tinititigan ni don Filipong nagninilaynilay, ngumitî at mulíng nagsalitâ: Halos nahuhulaan co ang iniisip po ninyó. ¿Siyá n~ga ba?

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap