United States or Dominican Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !


Caya mahal na princesa damit mo po'i, abot cuha, at baca pa ipagdusa nang búhay co't, caloloua. Caya cun uala ring daan ang sinta cong pinag-lacbáy, ibig co pa aquing mamatáy dini po sa aquing lagay. Isinagót nang princesa ó don Juan de Berbania, ngayon mo nga maquiquita tunay na aquing pagsintá.

Laging tapat Eduardo, nguni nga lamang ... Leoning, ano ang kahulugan ng lahat mong pangungusap na iyan? Datapwa't ang luha ni Leoning ay biglang natak sa kanyang mukhang tila garing. At sa gayon ay waring napaawa si Eduardo sa nakita niyang anyo ni Leoning. Kaya pamuling nangusap si Eduardo. Leoning, bakit ano ang nangyari sa pagtingin mo sa akin sa ngayon; lason na ba ako sa puso mo.

Sulong ..." Ganyan ang pagbabayad ng dalawampung kopek lamang. Anong mapapakinabang sa dalawampung kopek ? Itungga ng alak at wala na. Saka sasabihingAng hirap!" ¡Aha, aha! ¿Ang hirap ko nga? Ikaw ay may bahay, may hayop at lahat ng kailangan, at ako'y walang anuman.

Demónyong sungayan! Demónyong may buntot!" ang sigaw niláng magkamáyaw. At demónyo ngâ namán!... (Noon ay kasalukúyang nagdadaos ng Karnabál sa Maynil

Itong bundóc na mataas tibaguin mo nang mapatag, at doon mo nga icalat itong trigong aquing hauac. Ngayon din iyong itanim gabing ito'i, tumubo rin, sa gabing ito'i, gayon din iyo namang aanihin. At sa gabing ito naman ay gagauin mong tinapay, sa lamesa co'i, maguisnan cacanin co sa almusal. Quinuha na ni don Juan yaóng trigong ibinigay, doon sa porterong bahay biniguian nang tatahanan.

At napag-unawa nga ni Semel at ni Matrena kung sino yaong kanilang binihisan at pinakain at kung sino yaong kasama nila. Sila'y napaiyak sa kagalakan at katuwaan, at ang anghel ay nagpatuloy ng pananalita: Ako'y nanatiling mag-isa at hubad na nasa daan. Nuo'y hindi ku pa kilala ang anumang kahirapan ng tao, ang ginaw o ang gutom man.

Lumuha ang nangulila at nanghimutok ang mga may pusong kanyang mga kadamay sa lahat ng bagay at lumuha ang kanyang mga kaabutangpalad. Nagwawakas nga naman ang lahat! Ang lahat ay may guhit ng tadhana ng pagkatapos. Ang mga ligaya sa mundo ay may kalungkutan, ang maligaya ay may kasawian. Tapos nang lahat ang kaligayahan ni Leonora.

nguni't ang "itinapong" ito ay napaghahalatang kamalian lamang ng limbagan, at dapat basahing "itinatapon". LAHI. Tila mali, tila hindi "lahì" kundi kaipala ay "lakì" ang nasa sumusunod na tula: "at sa ca-auay ma,i, co ninanais ang lahì ng dusang aquing napagsapit". tila nga lalong tama riyan ang "laki ng dusang aking napagsapit"; nguni't ano at "lahi" ang naririyan? Hindi kaya mali?

Nguni't ang gayong mga kasiyahang loob ay di niya maaaring sarilinin. Kailangan ang kanyang ibalita kay Leoning, at kung malaman ni Leoning na, kanyang kasintahan o di ito nga naman ay isa pang kagalakan din ng kanyang irog. Kaya kanyang ibabalita. Ninais niya ang magtuloy sa tahanan ni Leoning. Pamuli na namang ang kanilang mga puso ay magkakaulayaw. Mauulit na naman ang kanilang pagngingitian.

Mabuti na lamang at si Eduardo noon ay may takip ang mukha nakadespras siya, kaya hindi na siya nagalinglangang humarap sa binibining tumawag sa kanyang kasayaw. At palad si Leoning nga! Si Leoning na noon ay kasayaw ng kaagaw ni Eduardo: ni Daniel Perez. At mabuti na lamang at hindi agad siya nakilala.

Salita Ng Araw

mapisan

Ang iba ay Naghahanap