United States or Liechtenstein ? Vote for the TOP Country of the Week !


Wala na, wala na, at makailan na niyang tangkaing dumalaw datapuwa't para lamang pagabigo ang kanyang nakamtam. Ano nga kaya naman ang nangyari sa kay Leoning? Bakit? Bakit daglian naman siyang lumimot sa dating kasuyuan...?

Totoo ñga na hindi sila nagcacasiraan, at hindi naman sila nagtataniman; subali,t, sa loob man lamang, ay nagsisisihan silang lahat, dahilan sa nangyari, at nagtuturu-turuan nang casalanan nang isa,t, isa.

At, matapos mapagusapan nilang dalawa ang lahat at lahat, lalo na sa kabutihan ng paninirahan sa siudad ay siyang nagbigay daan kung kaya't sa madali ring panahon ay iniwan namin ang sarili. Kaya kita tinanong ng ganito ay lubos at gayon na lamang ang pagtataka ko sa inyong pagkaparito. Magtataka ka nga marahil nguni't maliwanag na ngayon sa iyo ang lahat.

Kung ikaw ay gumawa ng isang mabuting gawa, ay sasabihin mu sana sa akin kung saan nanggaling ang palaboy na ito. May tatlong oras nang sinasabi ko sa iyo, nguni't di mo ako dinidinig. Nagdaraan ako sa tabi ng simbahan, ay nakita ko ang binatang ito na halos naninigas at hubad; wala nga tayo sa panahong tag-araw. Inakay ako ng Diyos sa kanya; na kung di gayon ay namatay sana ito ngayong gabi.

Ang dalawang ito ay kapwa makisig: mga sekreta pala. Sila naman ang nagkuha ng tanong sa tinamaan, nguni't ni hindi rin matiyak kung sino ang may kagagawan. Sino ang may kagagawan ng ganito? Hindi ko po maalaman. Bakit pinatamaan ka ng punglo? Wala po akong malay; papauwi na lamang ako nang hindi ko hinihintay ay nangyari nga ang sakunang ito. Mayroon ka bang kaalit? Wala po akong nalalaman.

Ang mga bulaklak ay iniaalay at isinasabog niya sa ibabaw ng libing ni Daniel Perez, ang kanyang asawang nagpakamatay sa sarili nang dahil sa pagsusukab ng asawang ngayon ay siyang dumadalaw sa kanyang libing, nagsisisi at lumuluha. Kaawaawang Leonorang nagluksa sa buhay! At, hindi nga magbabalik ang lahat. Natapos na ang lahat ng kaligayahan sa buhay ni Leonora.

Nakita ko nga kayo sa harap ng simbahan: ang tatay mo'y mayroong kausap at ikaw nama'y nagmamasid sa mga taong naglalakad. At baga man ako'y papauwi na, ay hindi ako nagtuloy, linapitan ko kayo at matapos akong magpugay sa iyong mga magulang ay tinanong kita ng marahan: ¿Kanina pa ba kayo rito? Oo, ang sagot mo. ¿Bakit ngayon ko lamang kayo nakita? ang ulit ko.

"Oo nga , mga binibinì at ginoó, kapag ang kapisánang ito ay tinanggáp ang palagáy ni G. Faure, ang kakamtán natin ay di lang libo-libo, kundî yut

Hindi kaya ninyo maaring pakisabihin lamang ang ngalan sapagka't nais ko lamang siyang makilala at kung sakali at mangailangan siya ng tulong at aking makakaya ay nalalaan naman akong abang lingkod. Siya po ay isang binata. Nguni't hindi ko po siya kilala; inyo nga pong turan na. Isa po siyang nagaaral at malapit ng magtapos sa pagkamanananggol. Bbg.

Sumakay siya at ang matandang Pepe naman ay ipinagsama ng dalawang sekreta sa Bagong Bayan upang kunan ng ilang tanong sapagka't walang iba kundi ito ang may kinalaman sa pangyayaring yaong gulo. Kaya't gayon na lamang ang nagharing bulungbulungan! Ano nga naman ang naging sanhi nang pangyayaring yaon at ang isang Pako pa na pamangkin ni mang Pepe ang tinamaan?

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap