United States or Guyana ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ngayon ay waring madilim na lahat at sinasakmal ng ulap ang kanyang magandang pagasang pinapangarap. Wala na si Leoning, na siyang pinagkukunan niya ng dating sigla sa buhay. Wala na ang kanyang irog na siyang dating laging nagaalaala sa kanya, na, pagaaalaalang yaon ay siyang nagiging daan ng kanyang pagsisikap sa lalong mga dakilang bagay na gawain. Oh! wala na nga siya, wala na!

Na ako pa ang malalabuan sa iyong pagsisinungaling. Hindi Leoning. Hindi, ang ako ay pahirapan? Leoning, oo, hindi mo nga lamang nababatid ang lahat. Kung nang mga sandaling tinatanggap ko ang iyong liham ay makikita mo lamang ang aba kong kalagayan, ay mapatak din marahil ang luha mo kung may habag ka sa abang Eduardong ngayon ay kausap mo.

Nagagad nga lamang sa "Kun sino ..." gaya ng pagkagagad sa dalawang huling "muog" at "suob". Ang dalawang salitang ito ay lalik ng mapaglarong pamimigkas, na kasamahan ng "buo", "nuon", "punon", "lieg", "puot" at iba't iba pang walangwala sa mga panahong yaon ni Balagtas.

Nguni't ayon sa paalam sa asawa ay dadalaw sa kaibigang naging kadalaga! Oh! kung magtaksil at magsinungaling nga naman ang babae! Kaya't pagkarinig na iyon ni Daniel sa tinig ng pangungusap ay isang lalaki ang kapiling ni Leoning at hindi pala babae, na ayon sa sabi sa kanya ay dalaga, ay waring sumilakbo agad ang kanyang dugo at pinagdimlan ng paningin.

Pati yaong gabi ng mga sandaling sila'y nagpapaalaman ay waring sumusurot sa kanyang alaala. Maaaring sa isang iglap nga lamang ay ipagwalang bahala ni Leoning ang gayon. Maaari ngang mangyari ang lahat ng mga hinagap na ito. Sukat ng maalaala ni Eduardo ang kanyang bayan ... Maari ngang ang isang Leoning ay ganap na makalimot. Maaari nga sapagka't doo'y maraming mayayamang binata.

Oh! ang katotohanan! kung kanyang sasabihin ang katotohanan ay kanyang lahat ang kahihiyan, sa kanyang lahat ang lagpak na kapulapulang ititingin ng tao. Magtatamo siya ng matutunog na halakhak. Bakit? Sapagka't nalalaman niya ang dila ng tao. At ano nga naman ang dila ng tao? Oh! ang dila ng tao.... Papaano nga naman ang kanyang gagawin? Dapat nga namang ilihim niya ang lahat.

Eduardo, kung nalalaman mo lamang ang kalagayan ko, marahil ay mapapahabag ka rin sa iyong dating kasuyuan ngayong abangaba at may sugat ang puso. Oo, Eduardo, kung nasa piling lamang kita! nguni't wala na nga lamang pagkakaari pa ang lahat. Huli na ang lahat. Oo, huli na Eduardo.... At marahil sa pagtanggap mo nitong liham at pagkatapos mong mabasa ay ilang oras na lamang ang darating at oh!

Hindi nga naman nakita niya at sa katotohanan ay wala siyang matitiyak na sino man sapagka't nang siya ay pauwi na ay tahimik ang kanyang loob na hindi niya hinihintay ang gayong mangyayari. Kung nalalaman lamang niya, di sana ay nakahandang umilag. Wala ni sino mang nasa harap niya na nakita na may maghahangad ng gayon. Ano nga naman ang mabuti? Sino ang may pananagutan sa gayong sakuna?

¡ Tusong-tuso , ang uica nang estudianteng taga-Bulacan, tusong-tuso itong si Julio! Sundin mo ñga, Proper, ang caniyang hatol, na acala co,i, maigui; at bucod dito,i, cung ganoon ang sagot mo sa canila, ay hindi icao,i, paghihinalaan nang mañga nanay mo. Umayon mandin si Prósper sa hatol nang mañga casama niya; at sumulat cay cabezang Angi nang ganito:

Sa pamamagitan nito, ang kagarilan ng "aquing napangarap nasabi sa iyó" ay naging pagkasarapsarap sa "aking napangarap at nasabi sa iyo". Na, labis naman dito ang bilang ng pantig? Labis nga, sa pagkakasulat, nguni't hindi sa pamimigkas. Kahalintulad lamang ng mga halimbawang nadaliri na sa ika 20, ika 45 at ika 46 na paliwanag.