United States or Spain ? Vote for the TOP Country of the Week !


"Nguni't nang kaming tatlo ay anyo nan~gang papasok, ay siya naman naming pagkadin~gig ng hiyaw na; "Dario! Dario!... Halika.... "Dagli na nga kaming tumuloy sa kinalalagian ni Angela ng nadin~gig ang gayon at kaagad kong tinabanan sa kamay kasabay ng pagsasabi nang: "¡Angela, Angela! "¡Dario! ang biglang sigaw niya ng makita ako.

Datapwa't nang sila'y magkita't magkausap ay hindi nagpahalata kay Manuel, dahilan sa mga balita niyang natanggap. At kung tunay na siya'y inihabilin na nga sa limot ng binatang minahal sapúl pagkabata, ay handa namang taglayin hanggang sa libingan ang pag ibig na namumugad sa kanyang puso. Si Manuel ay gayon din.

Siya ñga, ang uica ni Dales, siya ñga, ñguni,t, tila nagugulo ang aquing pag-iisip, at ang loob co,i, catua, sapagca,t, hindi co matantong maigui ang tunay na cahulugan nang mañga quinacatouiran sa aquin nang ating cagalang-galang na Padre Cura.

Bakit parang kasing bilis ng kidlat na naglaho? Nasaan ang kanyang dating paglingap kay Leoning? Nilimot na kaya niyang lahat? Datidati nga naman agad siyang sinasagot ni Eduardo. Datapuwa't ngayon? Oh! parang ulap ang pagasang siya'y makatanggap ng sulat mula kay Eduardo. Bakit sa apat niyang liham ay wala siyang natatamong kahit isang sagot? Kahabaghabag na Leoning!

Sila,i, nagugutom nga,t, napapagod pa, ñguni,t, hindi nila inaalumana itong mañga hirap na ito, at ga hindi nila dinadamdam. Isa lamang ang iquinaiinip nila, ang calayuan baga nang linalacaran nilang daan; sapagca,t, gaua nang malaquing pagnanasa nilang dumating sa Maynila, ay minamalayo nilang totoo ang dati-dati ay minamalapit nila.

¿Sino ang naghihintáy?... Siya ang mapaglagalág sa automobil, ang mapagamá-amáhan, ang kataástaásang punò sa Sangkapulúan, na kung bakit sa kanyáng pagdálaw kay Kápitang Memò, ay tinaón yátang talagá ang pangyayáring iyón! Si Gerardo ay nasugátan na namán. Si Kápitang Memò, ay animo'y kinakalambre. Papaáno ang pakikiharáp niyáng gagawin sa kanyáng punò? Kay lakí ngâ namáng kahihíyan nitó!

Palibhasa'y hindi mo rin ako sinagot, ay ako na ang nag-sabing PAGIBIG na nga at idinugtong ko pang "INIIBIG KITA". Makailang araw ay nagbago ka: oo, nagbago ka. Ang masasaya mong ngiti'y bahagia mo nang ipamalas sa akin at sa nagsisunod na mga paguusap natin ay waring nabibigatang kang sumagot sa aking mga sinasabi; subali't nahalata kong nagtatampo ka't nalulumbay pa pag hindi kita nadadalao.

Ang bunsóng anác monghirang nagtiis nang cahirapan, at siyang nag-alís naman batóng balot sa catauan. Nang masabi nanga itó naghaliling panibago, nang balahibong icatló na capua esmaltado. At nag-uica nang ganito mahal na hari'i, dinguin mo, nagsi-oui silang tatló sa bahay nang ermitaño. Sila nga ay piniguing pa pinacain sa lamesa, pinangaralan pa sila anác ang siyang capara.

Ang pagsisikap niyang yaon ay dahil lamang sa kanyang mutya, dahil sa kay Leoning na kanyang puputungan sa noo ng laurel ng dangal, datapuwa't ngayon ay ano ang nagbabala sa kanyang palad? Ano kaya? Isang ulap lamang. Isang ulap nga, at naglaho lamang ang lahat! Ang lahat! Oo, ang lahat ay wala na, wala na siyang pagasa sapagka't si Leoning ay hindi na niya maalaman kung bakit lumimot.

PEÑA. ¡Bravo! ito ñga ang bata RICO. Cun gayo'y abatá at ating sunuguin bahay at camalig ng lilo at tacsil. Samantalang sinusunog. JUAN. Ang aquing tahana'y inacyat pinanhic ng mga sucabang mahiguit sa ganid. Quinuha sa caban cuartang naiipon ang guinto'y sa pitac noong aparador ang papel de Banco ay sa isang cahon at ang mga pilac sa lalagyang baul.