United States or Austria ? Vote for the TOP Country of the Week !


Si Semel ay gumising na maaga; natutulog pa ang mga bata; ang asawa'y yumaon upang manghingi ng tinapay sa kapitbahay; yaon lamang di kilala ang nakaupo sa bangko, na nakatingala sa kisame. Ang kanyang pagmumukha ay lalong tiwasay kaysa tinalikdang araw. Sinabi ni Semel: Ano nga kapatid; ang tiyan ay nangangailangan ng pagkain at ang katawa'y nangangailangan ng damit.

Aco'i, agad sinungaban ni don Pedrong tampalasan, ang lobo co sa sucbitan ang quinuha co na lamang. Inihulog co sa hucay at aquing pinagbilinan cahit patáy si don Juan ay iyong pag-remediohan. Ito nga po haring mahal ang iyo lamang hatulan, cun siya'i, dapat macasal cay doña Maríang hirang. Ang uica nitong monarca icao ang unang nacuha, an sagót ni Leonora aco nga po't, dili ibá.

Maghunos dilí ngá tayo at imulat natin ang mata, lalong laló na kayong mga babai, sa pagka't kayo ang nagbubukas ng loob ng tao.

Ano nga naman ang kahulugan ng lahat ng iyon? Sino ang lalaking yaon? Samaktuwid ay may kalaban pala si Eduardo? Kaya tinangka niyang lisanin ang tahanang yaon. Mabuti na lamang at ang kanyang paghakbang ng marahan ay walang nakamalay. Sa paglisan niyang yaon ay hindi naman siya lalayo pipilitin niyang makilala ang lalaking yaon. Maghihintay siya sa paglisan ng lalaki sa tahanan nila Leoning.

Nabigo siya ... Saan nga naman napunta sina Leoning, si aling Rita at ang matandang lalaking kasama nila: si mang Alejandro? Bakit nang dumarating na ang auto ay hindi sila sakay? Saan kaya sila nangaroon ngayon? Saan nga naman naroon? Saan kaya natin hahanapin? Saang bahagi ng siudad sila nagsipunta? Saan natin hahanapin sa magusot na siudad ng Maynila?

" Tanggapin mo ang matatamis na alaala at walang kupas na pagmamahal ng iyong Leoning na sumisinta hanggang hukay." Ganyang mga pangungusap ang lagi nang tinatanggap at nababasa ni Eduardo kung sumusulat sa kanya si Leoning. Kay tamis nga namang magaalaala ni Leoning! Kaya't gayon na lamang ang kasiyahang loob ng binata. Iyan ang tangi niyang nagiging kaligayahan sa lahat ng sandali ng pagiisa.

Maging sa kastila man ay iba ang "sino" sa "si no"; at si Balagtas, na dalubhasa, maging sa tagalog at maging sa kastila, taong nag-aral at nakatatalos kung ano ang kahulugan ng isa at isa, ay hindi makagagamit ng "kung hindi" sa dapat sabihing "kundi", gaya na nga sa dinadaliring pangungusap. Ang dagdag ngang "hin" ni P. Sayo ay hindi kay Balagtas.

Pinagsusuri niyang mabuti ang kalooban ng kinatawan na baka ang gayong ginagawi ng ginoo ay isang paghamak lamang sa kanyang pagkatao. Baka isang pagalipusta nga lamang pagka't, sino nga ba naman siya sa harap ng isang kinatawan gayong siya ay isa lamang hindi kilala sa mga lubhang matataas na lipunan. Sino nga ba naman si Eduardo sa harap ng isang marangal na tao? Sino siya?

Binuclat at binasa nang taga Paco, na ang ñgala,i, Julio, at nang taga Bulacan, na ang ñgala,i, Francisco, ang naturang sulat, at sabi ni Julio cay Próspero sa uicang parian ay ganito: Seguro este hermana de Vd. demasiado beata tambien . At ang uica naman nang taga Bulacan na si Francisco: Tila,i, santulon na totoo ang capatid mo. Siya ñga, ang sagot ni Próspero.

Ang ngiti man lang niya ay sukat ng makapagbigay, lugod sa iyo kung iyo ng kapareha. Oo, nga kung ngingitian ka niya ay walang salang maliligaya ka na ng gayon na lamang. At, si Leoning nga naman ay waring isang bulaklak na namumukod sa lahat ang katangian: tulad ng kampupot na bago lamang na bumubukad na nagsasabog ng halimuyak. Maraming nagsisihanga at nagsisipaghagis ng titig sa kanya.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap