United States or Israel ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa n~gipin ay lubhang main~gat na lahat, na mula sa pagkabata ay pinapantay n~g m~ga bato't iba pang m~ga kasangkapang pangkiskis at pinaiitim hangang sa tumanda, na tuloy sinasaglitan n~g ginto at nililinis pagkakain at pagkakagising. Saka kung naliligo ay mahinhing naúupo na inilúlubóg ang katawán hangang sa lalamunan na nan~gagpapakain~gat upang huwag maging tudláng n~g matá nino man.
Ugali rin na di tumatayo sa harap n~g m~ga taong canilang iginagalang, kungdi nauupo sa lupa n~g di lubhang sayad na nag-aalis n~g takip sa ulo at ipinapatong ang putong sa kaliwang balikat saka nakikipag-usap sa nakatataas sa kanila.
Nagsitidindig ang m~ga nauupô, ang m~ga natutulog ay nan~gáguisíng dahil sa cacacampanilla at sa matunóg na voces n~g m~ga cantór. Tila totoong natutuwâ si Párì Salví, baga man siyá'y may mukhang walang caibigan, sa pagca't sa canyá'y naglilingcód na diácono at subdiácono ang dalawá pa namáng agustino.
Sa pagdiriwang n~ga pagkakasal ó pag-aasawa ay humaharap ang katalona ó babaylona na isang matandang babae na siyang tagapan~gasiwa sa m~ga ganitong bagay. Ang lalaki't babae ay nauupo sa dakong kinauukulan nilang upan ó kung dili ay sa kandugan n~g isang matandang babaeng kamag-anak na siyang pinaká-iniina.