United States or Saint Pierre and Miquelon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bucod dito,i, lalag-yan siya sa tiyan at sa bay-auang, pati sa m~ga hita nang man~ga basahang babad sa tubig at sa sucang matapang na magcasingdami, na yaon ay papalitang parati pagca tuyo tuyo na, at inaalis tuloy pag ungmuunti na ang paglabas nang dugo. Ang pamamaga nang bahay tauo sa loob nang catauan nang babayi caya na-aalaman, sapagca masaquit ang tiyan, at tila nauunat.

Ang voces ay nag-iiba ó nauauala. Cun minsan mayroong masaquit sa tiyan, at ito,i, masama, at caalamalam ang bituca,i, nabubuloc. Ang dila cun minsan ay magaling, cun minsa,i, madilao na maitim. Ang tiyan cun minsan ay malambot; cun minsan nauunat. Ang pulso,i, mahina,t, madalas sa rati.

N~guni cun baga noong talagang magcacasaquit ang tauo, linalagnat siya muna nang malaqui, at ang caniyang pulso ay matigas at puno, at bucod doo,i, malaqui ang saquit nang ulo,t, bay-auang, at ang tiyan ay nauunat, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit; susumpitin naman arao-arao nang macaitlo, ó macaapat nang bilin sa número 6, ó cun uala yao,i, na-aari ang gatas na tinubigan.

Cun minsan gagaling ang maysaquit pag linabasan sa catauan nang man~ga butil na marami na puno nang tubig. Ang pulso ay munti. Cun natutuyo ang dila at nauunat ang tiyan nang maysaquit, ó cun nalilio, ó nagsisin-oc, ay namamatay na ualang magaua.

Ang maysaquit hindi manabi minsan man; ang tiyan niya ay nauunat; hindi ungmiihi, at cun baga ungmiihi, ay malabo,t, mabaho. Ang pulso ay matigas muna; cun malauo,i, madalas at munti; ang maysaquit ay nanghihina; nasisira ang bait, at nagsisin-oc; ang boong cataoan niya,i, cungmiquinal, ó ga nanlulucso ang laman.

Cun minsan ay hindi sungmasaquit ang sicmura ó ang tiyan, cundi nalilio lamang ang may catauan; pinapauisan nang malamig, dungmuroual na parati at hindi lumalagay sa quinahihig-an. Cun minsan nama,i, biglang nalilio ang maysaquit, at hindi nacacaalam tauo; nagsisin-oc siya; ang caniyang muc-ha,i, nag-iiba; ang pulso ay munti; ang sicmura ay nauunat. Datapoua ang maysaquit ay nacacahin~ga.

Cun sungmasaquit ang ulo, ang lalamunan, ang dibdib, ang sicmura, ang tiyan, ang bay-auang, ó cun alin ang masaquit, at alin ang lalong masaquit. Cun sungmasaquit pa mandin cun hipoan. Cun ang dila nang maysaquit ay maputi, ó marumi, ó tuyo. Cun nauuhao siya. Cun mapait ang bibig. Cun dungmuroual, ó sungmusuca, ó nananab-ang nang pagcain ó cun ibig niyang cumain. Cun nauunat ang tiyan.

Ito,i, mahirap sa maysaquit; sapagca dahilan sa cacapalan nang balat noong lugar na yaon ay maliuag sumibol na madali. Ganoon ang inaasal nang bulutong na magaan. Dahilan sa pagsibol nang man~ga bulutong ang balat nang catauan ay nauunat at namamantal. Ang unang namamaga ay ang muc-ha, pati nang liig; at dahilan sa pamamagang yao,i, nagsasara ang mata cun minsan.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap