United States or Honduras ? Vote for the TOP Country of the Week !


Mayroon namang pamamanghid nang paa, na siyang cusang nauauala capag binigquisan yaong maysaquit na casangcapan. Ang gamot sa biglang dinaraanan nang hindi macahin~ga, ó sa quinacapos nang paghin~ga, na ang tauag nang castila sa gayong saquit ay sofocación. Tatlong dahilan ang pinagmumulan nitong saquit na ito. Ang isa,i, ang man~ga litid nang baga cun ungmiinit ó cungmiquinal.

Itong pamamaga nang paa, ay nauauala siyang cusa cun malauon, capag nacuha ang totoong saquit na pinangali-n~gan noong pamamagang yaon. Datapoua cun ang may catauan ay lauon nang ualang saquit, at hindi mauala ang pamamaga nang paa, ay maigui ang siya,i, lumacad na parati. Cuscusin ang paa nang isang basahang tuyo,t, mainit, at bigquisan nang damit na maigting-igting.

Cun minsan dinaraanan nang malaquing hirap ang maysaquit sa icapat na arao. Ang saquit na Pulmonía ay nauauala,t, nacucuha sa paglura, at sa pag-ihi: dito sa ihi nang maysaquit sa dacong icapitong arao mayroong naquiquitang latac na marami, na ang color ay maputing itim, at cun minsan nana ang nadoroon. Saca hungmahalili ang pauis na nacagagaling sa maysaquit.

Saca pag nacalalo ang dalauang oras ay susumpitin: at cun hindi ungmunti ang lagnat, at lalo pa cun matigas ang pulso, at ang maysaquit ay naghihilim, ó tila nasisira ang bait, ay cailan~gan sangrahang minsan pa, ó macalaua man, sa man~ga unang dalauang; arao, cun hindi nauauala ang malaquing cahirapan nang lagnat.

Masamang purgahin, ó pasucahin ang aquing sasabihin n~gayon, sa macatouid: ang nalalagnat na tauo sa oras nang pagcalagnat niya, cun baga siya,i, nalalagnat nang malaqui; ang tuyo ó payat na totoo ang caniyang catauan; cun ang pinagmul-an nang saquit ay cahinaan nang catauan; cun pinanaugan nang sa panahon ang babayi; cun ang may cataua,i, nagcasaquit, at ang caniyang saquit ay nauauala na sa pauis, ó sa pag-iilaguin, ó sa pag-ihi, ó sa pag-babalin~goyn~goy; ang tauong piyohin, cun dinaraanan nang saquit na yaon; gayon din cun totoong hina ang man~ga litid nang may catauan.

N~guni cun baga nalagnat na ang maysaquit nang macaanim ó macapito, at ungmuuli rin ang lagnat, at hindi siyang cusang nauauala, ay magaling sa lahat ang pasuca sa bilin sa número 35, at saca quinabucasan ay painumin nang bilin sa número 14, na caniyang uubusin, bago abutin nang oras nang caniyang pagcalagnat.

Touing gab-i lungmalaqui ang init at ang pag-uubo na ualang nacucuha. Ang ilinulura ay may dugong caunting casama, na sa icapitong arao nauauala. Cun minsan ang saquit nang baga,i, ungmaabot hangan sa lalamunan, na hindi macalunoc ang maysaquit, at caya ang isip niya,i, mayroon siyang garrotillo .

Ang gagauin sa lalaqui ó na babayi cun nagcacasaquit nang malaquing saquit, at tuloy sinusubaan ó nadedesmayo. Ang desmayo cun sungmasama sa ibang man~ga saquit, ay masama. Ang nagcacasaquit nang lagnat na buloc, caya siya nadedesmayo ó sinusubaan, sapagca marumi ang sicmura, at capag siya,i, nacapag-ilaguin ó nacasuca, ay nauauala ang desmayo.

Ang gagauin sa tauong sinusubaan ó nadedesmayo dahilan sa mayroong saquit sa caniyang man~ga litid. Ang saquit na suba dahilan sapagca mayroong saquit sa man~ga litid, ay siyang cusang nauauala, capag pinapaypayan ang may catauan at pina-aamoy nang m~ga mabaho. Mabuti ring atuhing basain n~g tubig na malamig na sinucaan ang noo, pati nang quibotquibotan nang maysaquit.

Cun baga hindi rin nauauala ang calaquihan nang lagnat, ang tiyan ay namamaga nang caonti, at hindi ungmiihi nang marami ang maysaquit, touing icalauang oras ay painumin nang isang cuchara nang bilin sa número 10; at cun malaqui ang saquit ay oras oras paiinumin. Itong gamot na ito,i, nagpapababang madali nang lagnat.