United States or Haiti ? Vote for the TOP Country of the Week !
Anong man~ga catouiran ang tinataglay nang inyong Ama sa lan~git sa pagaasal sa inyo nang ganito, ay bihirang bihira ninyong maquiquilala nang totoong maliuanag, at di para nang pagcaquilala ninyo nang man~ga catouiran co caya di natutuloy ang ating pagparoon sa Travemunda, sa panahong totoong nagugulo ang inyong loob, at lubos ninyong inaasahan; sa pagca,t, ang Dios na ualang hangan nang carunun~gan, ay natatalastas ang darating, cahit anong layò pa, at totoong madalas na ipinahihintulot niya sa icagagaling natin, na tayo,y, datnan nang man~ga bagay na hindi natin napagtatalastas ang cagalin~gan hangan sa malaong panahon, at madalas ay hangan sa icalauang buhay. Datapoua,t, ang aquing pagpapatalastas ay hindi nalalayô, at sa mangyayari lamang sa loob nang isang bouan. N~gayo,y, cung sa inyong cabataan ay ang lahat nang mangyayari ay maaayon sa inyong caibigan, cung ang lahat ay mangyayari sa oras na inyong inaantay, ¡ay totoong sam