United States or Gibraltar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang malapit siya,t, abutin ng suliáp ang sa pagcatali,i, liniguid n~g hirap, naualán n~g diua,t, lúha,i, lumagaslás, catao-án at púso,i, nagapus ng habág. Malaong natiguil na dî nacaquibô hinin~ga,i, hinabol na ibig lumayò, matutulog disin sa habág ang dugô, cundan~gan nagbangís Leong nan~gag-tayô.
Nang dumating sa harapán sinalubong sa hagdanan, anang hari't, manga mahal emperatriz na marangal. Sila ay nagsi-loclóc na sa manga uupáng silla, ay nangusap capagdaca itong si doña María. Ang sadyá co pong talagá manoód nang desposada, acó yata'i, nahulí na at silá ay nacasál na. Ang sagót nang haring mahal emperatriz na marangal, natiguil ang pagcacasál sa iyo po ang dahilán.