United States or Bahrain ? Vote for the TOP Country of the Week !
Gayón din cun ang tauo,i, parating nacuculong sa bahay na may sara ang lahat na dun~gauan; ó cun malimit gumaua nang mahalay; ó cun siya,i, natatapat sa sin~gao nang man~ga tinutunao na tangso; ó cun siya,i, namamanglao, ó parating pagod; ó cun nag-iisip nang man~ga maliliuag; cun siya,i, parating pinapauisan, ó nag-iilaguin, ó ungmiihi, ó pinapanaogan nang malacas nang sa panahon cun baga babayi; ó cun siya,i, nagpasuso nang malauon, ó cun linalabasan sa punong catauan nang tubig na malapot at maputi, na yao,i, saquit din nang babayi, na pinan~gan~galan flúor albus .
Saca ang maysaquit ay nanghihinang totoo, lungmalalim ang caniyang mata, hindi macalonoc; namamaga ang paa, at nanlalamig ang man~ga dulo nang paa,t, camay, at ang sungmosunod doon ang camatayan. Ang gagauin nang may catauan cun ang caniyang saquit ay bagong-bago pa, ay magbago siya nang lugar, cun baga ang caniyang tinatahanan hindi pinapasucan ó hindi natatapat na magaling sa han~gin.
Salita Ng Araw