United States or Algeria ? Vote for the TOP Country of the Week !


Para sa kanya ay waring laging mabituin ang langit, laging nasisinag niya ang pagasa, ang ligaya ng palad at kaaliwan ng puso. Kaya sa pagpunta niyang yaon kina Leoning ay boong galak halos naguumapaw sa kanyang dibdib ang katuwaan. Inaasahan niyang malayolayo pa siya ay sasalubungin na agad ng ating binibining taglay ang ngiti sa labi.

Para ng langit na ngayo'y puno ng ulap at wala ni isa mang bituin, iyan ngayon ang waring nakikita ni Eduardo. Wala na, ang mga kaaliwan ay naglaho na sa kanyang lahat. Naglaho na sa kanyang palad ang maningning na pagasa at ngayon ay waring madilim at mga luksa ang kanyang nasisinag. Wala ng paglingap sa kanya si Leoning!

Ang buwan ay lumiit na't ngayon ay pamuling nagbalik ang kabilugang nagsasabog ng liwanag datapuwa't ang kanilang puso ay tila hindi na pamuling sumimsim ng katamisan ng buhay na dating kanilang ginagawa kung ganitong mabuti ang panahon. Oo, parang mga ulap lamang ang nakabadha sa langit, ayon sa pakiwari ni Eduardo ay siya niyang nasisinag. Wala na nga naman ang lahat!

Ang panahon ay patuloy ng paglakad, na, waring ang kabuhayan ni Eduardo ay hindi man lamang dinadalaw ng ano mang bagabag sa buhay. Laging payapa at maligaya, walang ligalig at waring ganap na ang kanyang pag-asa na nasisinag na magandang bukas. Pati kanyang pagaaral ay gayon na lamang ang ginagawang pagsisikap upang sa kabila ng kanyang mga pagpapagod ay matamo naman niya ang tagumpay.

Noon, ikaw'y aking minamalasmalas sa pusod n~g gayong tahimik na gubat, ang iyong larawan noo'y nasisinag sa linaw n~g batis na awit n~g palad. Ikaw'y namimili n~g batong mainam at nilalaro mo ang m~ga halaman, sa damdam ko baga'y ang bawa't hawakan n~g m~ga kamay mo'y nagtataglay buhay.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap