United States or Paraguay ? Vote for the TOP Country of the Week !
Aling Puring: Noong isang linggo pong ako'y dalawin ng maingat kong manggagamot, ay tatlong mahalagang bagay ang ipinagbilin sa akin: "Huwag kang magbabasa ang wika huwag kang magiisip, huwag kang magsusulat". Sa mga tagubilin niyang ito ay sandali akong natigilan, bago marahang nakasagot ng "opo". Mangyari'y kasalukuyang binabasa ko pa naman noon ang inyong mahalagang aklat kaya't sa isipan kong hapo'y buhay na buhay pang gumagalaw ang mga larawan nina Edeng at Manuel, at waring sa aking pangdinig ay humahayuhay ang kanilang matatamis na bigkas, mga bigkas musmos na naghihiwatig ng dalawang pusong nasasaputan pa ng kawalang malay, ng kulay na puti ng mga kaluluwang di pa napupukaw ng mapangligalig na araw ng buhay.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap