United States or Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !
Inusisang magalíng n~g mapagsiyasat na tagá bukid, ang barò at salawal n~g bangcáy, at canyáng nahiwatigang punóng punô n~g alabóc, at hindi pa nalalaong napunit sa ibá't ibáng m~ga lugar; n~guni't ang lalong canyáng náino'y ang m~ga bun~ga n~g tinglóy ó amorseco na nacarikít sa cuello n~g barò. ¿Anó ang iyóng tinítingnan? ang itinanóng sa canyá n~g directorcillo.
Mulíng pumanhíc sa canyáng maliit na báhay, naupô sa baníg na caniláng hinig-án n~g nagdaang gabí, itinungháy ang m~ga matá at nakita niyá ang capirasong napunit sa bárò ni Basilio sa dúlo n~g isáng cawayan n~g dingding, na na sa tabí n~g ban~gin. Nagtinding, kinuha ang pilas na damit na iyon at pinagmasdan sa ínit n~g áraw: may m~ga bahid, na dugò.
Salita Ng Araw