United States or Marshall Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Ano pa raw! ¡Tanun~gin mo si manang Magda, at siya ang nakatutop sa bayaning pari sa tulugang katre n~g kanyang anak na dalaga! ¡Martinez, kapag hindi mo napatunayan ang iyong sinasabi'y...! At biglang dinaluhong ni Tirso at ginagap sa dalawang balikat ang binatang iyong naparoon yata upang umaglahi n~g walang kasingsakit sa kanyang kapalaran.
Gaya n~g sinabi na, mahabang salaysayin ang buong pangyayari hinggil sa pagkamatay kay Andrés Bonifacio. N~guni't sa ano't paano man, ay minsan pang napatunayan na ang m~ga dakilang bayani n~g isang bayan o n~g isang adhikang matayog na pangpatubós, katulad ni Andrés Bonifacio, ay karaniwang namamatay sa "hindi talaga n~g Dios." At napatunayan din naman ang pagibig sa Tinubuan n~g m~ga kawal n~g "Katipunan" at gayon din n~g bayan sa pagsunod sa "iisang pamamanihala," bagama't kinitlan n~g buhay ang nagsikap, nagmunakala at nagsimulâ n~g Paghihimagsik, at iyang kalinisan n~g adhik