United States or South Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagpasimulâ n~g pag-awit si Sisa sa tapat n~g bahay, na tinititigan ang buwang nagduruyan sa isáng lan~git na azul at napapag-itanan n~g m~ga alapaap na culay guintô. Nakikita siyá ni Basilio'y hindi macapan~gahas lumapit, at marahil hinihintay niyáng umalis doon; lumalacad sa magcabilacabila, n~guni't pinan~gin~gilagan ang paglapit sa cuartel.
Tinakhán niyá ang bagong "Puente de España" ; nan~gagpaalaala sa canyá n~g m~ga maguiguináw na umaga, cung doo'y dumaraang namamangcâ siláng patun~gó sa m~ga paliguan sa Ulì-ulì, ang m~ga bahay na na sa pangpáng na dacong canan n~g ílog, na napapag-itanan n~g m~ga cawayanan at m~ga punong cahoy, doon sa wacás n~g Escolta at pasimulâ n~g Isla del Romero.
Salita Ng Araw