United States or Azerbaijan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi nagcacaisa ang m~ga Evangelista tungcol sa m~ga sinabi ni Jesús n~g siya'y napapacò na sa Cruz: I. Sinasabi ni San Mateo sa cap. 27, versículo 46 n~g canyáng Evangelio at ni San Marcos sa capítulo 15, versículo 34 n~g canyáng Evangelio, na itó raw lamang ang sinaysay ni Jesús, n~g malapit na ang hora n~g "nona" ani San Mateo n~g hora n~g "nona" ani San Marcos: Dios co, ¿bakit aco'y pinabayaan mo?
Itong santong auit nang may dusang Profeta ay parang narinig co, napatindig uli sa quinaloloclocan, biglang naniclohód sa ating Pan~ginoong napapaco sa cruz, nanalan~gin aco sa caniyang harapan, at ang caralitaang damdam nang puso co ay aquing sinaysay: isilay mo, Dios co, ang caliuanagan sa napagdidimlang cong isip, nang di ang caloloua co,i, abotin nang camatayan, houag mong itulot na macapagtagumpay sa aquin ang malupit na caauay nang di pagauitan aco, aglahiin at uicain: siya,i, nagahis co rin.