United States or Portugal ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Bakit, Elsa? ¿Napapaano ka? ¿May sakit ka ba? ang gulilat na m~ga tanong n~g lalaki. Hindi kumibo ang babae. Baka mabuti'y lumabas na tayo.... Ipinikit pa ni Elsa ang kanyang m~ga mata at hindi rin kumibo. Lalo nang nabakla ang loob n~g makata. Makasandali'y saka idinaing: Lumilibat ang aking puntada ... Nagsisikip ang paghin~ga ko....
N~guni't noon di'y nanigas na lamang n~g walang kaabogabog at napahandusay sa m~ga bisig n~g makata, ang sariwang katawan n~g mestisang yaon na sinusundan n~g nahihilam na m~ga mata n~g di kakauunting taong nakakita sa kanila sa liwasang Lawton. ¿Bakit po? ¿Napapaano po ang inyong asawa? ¡Hinihimatay! ¡Paypayan natin! ¡Wiligan n~g tubig sa mukha!