United States or Iceland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kaya ginawi ko na lamang ang ganitong kita'y lihaman, na, ang pagliham ko pang ito ay parang isang napakabuting pagkakataon lamang at nanakaw ko sa maramot na si Panahon. Oo, kung mangyayari lamang kitang magkausap ay mababatid mo ang boong linaw na sanhi ng ipinagkaganito ko. Oo, hindi ako lumilimot sa ating sumpa, mahal ka sa akin, mahal ka sa puso.