United States or Malawi ? Vote for the TOP Country of the Week !
Yayó'y isáng lalaking ang nacapatong sa úlo'y isáng malapad na salacót na dáhon n~g bulí, at dukhang totoo ang pananamít. Ang suut niya'y isáng gulagulanit na levita at salawal na maluang, na cawan~gis n~g salawal n~g m~ga insic, na punít sa ibá't ibáng lugar. Carukharukhaang m~ga panyapác ang nacasuut sa canyáng m~ga paa. Sumasadilím ang canyáng mukhâ dahil sa canyáng salacót; n~guni't manacanacang nagmumulâ sa cadilimáng iyón ang dalawang kisláp, na pagdaca'y napapawi. Siya'y matangcád, at napagkikikilalang siya'y bát