United States or South Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Baquit caya baga,t, cahit isang bata ang siyang magtulac, ó di man itulac at masagui lamang, ay nayuyucayoc at nasusubsob? ¡Tauong caaua-aua at cahabag-habag! na punó nang alac ay nahubdán nang cabaitan, at palibhasa,i, napagdimlán ang isip.
Napagdimlán ang isip ay nahubdán nang magandang hatol, na salat sa matotouid na sabi, naticom ang bibig sa tamang salitá, at ang pinapamimilansic sa dilang matabil ay ang panunun~gayao at panunumpâ, ang maruming sabi at uicang mahalay, ang pagyayabang at paghahambog ang pagtatalo at cun magcabihira,i, ang pagtatagaan at pagpapatayan.