United States or Svalbard and Jan Mayen ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itong santong auit nang may dusang Profeta ay parang narinig co, napatindig uli sa quinaloloclocan, biglang naniclohód sa ating Pan~ginoong napapaco sa cruz, nanalan~gin aco sa caniyang harapan, at ang caralitaang damdam nang puso co ay aquing sinaysay: isilay mo, Dios co, ang caliuanagan sa napagdidimlang cong isip, nang di ang caloloua co,i, abotin nang camatayan, houag mong itulot na macapagtagumpay sa aquin ang malupit na caauay nang di pagauitan aco, aglahiin at uicain: siya,i, nagahis co rin.
Nan~gin~ginig siya, at nalilitó sa guitna nang caligayahan at catacutan, naniclohod siya; at itinaas ang man~ga camay sa lan~git, ay napasalamat nang malacas na tumutulò ang luh