United States or Finland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Yabang!... Para ka riyang isang lélong na nangangaral sa amin ah! Cu...!" Pabulóng kun bigkasín ang mga salitáng itó, na anopa't walâng nakáririníg kundî yaong mga malalapit sa kanyá! Hindî lang ang bibig ng naka-lana ang nangungusap: ang mga matá niya ay may lalong mahalagáng bágay na inihahayág.
Itinaás ng nangangáral ang kaliwâ niyang kamay, pinag-abót ang mga dúlo ng hintuturô at ng hinlalakí, at saka nagpatúloy: "Ang salapî!! Ang salapî! Kapag ang tao ay mayroong salapi, sa kanya ay walang hindi maaarì!
Salita Ng Araw